Eto ang mga sagot na makukuha mo sa mga bata:
Scenario: Airport bound to Cebu. Si Neil nag iispray ng pabango sa sarili nya at sa lahat ng tao sa airport!
Manong: San ka pupunta?
Neil: Sa Davao
(sabay spray kay manong at sa kasama nya)
Manong: Ang bait mo naman, tatakbo ka bang Mayor ng Davao?
Neil ( - with conviction ito) : HINDI NO?! MADADAPA KAYA AKO DUN!
Scenario: Habang naglalakad, nag lelecture si mujai about nature at mga puno...
Madir: yan ang puno kakaw. yung bunga nyan pag hinog na ginagawang chocolate....
Neil: (parang nagising gising pa sa pagkaka tulog) NAY! ITO BA YUNG PUNO NG MnM's???
nyehehehe, chocolate nga naman kasi!
Scenario: Nakikipaglaro si Neil sa mga pinsan nya sa Davao, shempre di sila marunong magtagalog. Di sila maintindihan ni Neil kaya:
Neil: BISAYA KA TALAGA!! (sabi nya dun sa kalaro nya)
Scenario: Kausap ko sa telepono ang daddy nila Neil. Naglalaro sila ng kapatid nyang si Neo.
Ako to my bro: o nandito mga bata naglalaro.
Neil to me: Ninang sabihin mo si bunso kumakain ng kaypeks (skyflakes)
Ako to my bro: Sabihin ko daw sayo na si bunso kumakain ng kaypek
Neil to me: KAYPEKS!! Mali ka naman eh! Kaypeks nga.
ako pala mali eh! nyehehe!
Scenario: Kasama ko ang kapatid at pamangkin ni jowabels.
Jumbo (ung bata): Uy! ganda car. Yan car ni Jay Bumps!
Nang lumaon naintindihan ko din na si James Bond pala tinutukoy nya!
Scenario: Sa kotse, kasama pa din si Jumbo.
Jumbo: Tita nasan si Tito Jumbo?
Ako: Sinong tito Jumbo?
Jumbo: Si tito Jumbo..yung mataba. Kamukha mo.
Ako: leche!
nyahaha, si jowabels pala ung tinutukoy nya.
Scenario: nanonood kami ng tv ng hipag ko at nag aalburuto si Neil.
Neil: mommy pasok na tayo, inaantok na ako eh!
Hipag: Neil, nanonood pa kami ng tv eh. Matatapos na to, punta ka na sa loob hintayin mo ko. o kaya matulog ka na jan, kakargahin ka na lang namin.
Neil: mommy naman eh! kanina pa yan...inaantok na ako!
Hipag: sandali na nga lang to eh, hindi ka ba makaintindi?
Neil: mommy bakit ganyan ka?!! bakit ganyan ka mommy?! bakit ganyan ka magsalita sa akin ha?
nyehehehe....
Mabuti pa si bunso, minsan lang hihirit.
Scenario: tulog na kami lahat. may umutot.
Neo: no un? tot? Nyak!!
(translation: ano yun? umutot? Jack?!)
Nyahahah! nahuli pa kung sino umutot. Nyak ang tawag nya kay tita Jack nya eh.
Sumasakit ang bangs ko sa mga batang ito!
No comments:
Post a Comment