Sunday, August 26, 2007

Weekend

Eh shempre nagpunta kami ng Abu Dhabi last weekend. As in after work ng Thursday, byahe na kami. Pero meron din naman mga stop overs. Ayusin mga dapat ayusin bago mag enjoy enjoy. Bottom line, haggardo versoza na kami by the time makarating ng Abu Dhabi.

Nag punta din kami ni Ai sa aking friendly friend na si Dward. I heart him talaga. Love his room. Parang mini victoria court. nyahaha! Eh pano, kumpleto ang inumin. May entertainment at may kama. Jacuzzi na lang ang kulang. We played darts habang pinipilit nyang lasingin ako ng Bacardi Breezer.

After like 2 hours, sinundo na kami ng mga boilet namin. We stayed in a hotel apartment na sobrang lamig kaya nagmo moist pati yung sahig. kamustahin naman natin yun. It was fully furnished kaya lang, ayaw naman gumana ng oven. Nag noodles na lang tuloy ako.

At around 11 pm, nagpunta kami sa BlueBay. Isang pinoy bar doon. Astig ng banda. Kaya lang sira daw ang kanilang kitchen kaya puro fried ang pulutan. Fried fish fillet, french fries, fried chicken nuggets. At ang walang kamatayang cashew nuts. Nag enjoy talaga kami ng sobra, muntik na ako mapa head bang...ng malakas. nyahaha.

Habang lumalalim ang gabi, mas dumadami ang tao...mas dumadami ang lasing. Eh bakit kamo? Pano may isang batang lulurki na naglalakad patungo sa dancefloor. Dahil siguro lasing sya o talagang di nya nakita yung step, ayun...napasalampak sya sa mesa namin. At dahil nakakahiya...dedma lang sya. di nag sorry, di man lang tumingin. Basta tumayo ang lolo mo at derecho sa paglalakad papunta sa pupuntahan nya.

eh kaso mo, may nabangga pa sya sa kabilang table. Eh, ibang lahi pa. Ayun, nagkatulakan. Nagka hamunan. Nagulat na lang ako nakita ko yung jowabels ko nasa gitna na at umaawat. Napa second look pa ako kasi kanina lang katabi ko yun eh. Edi sige, keri lang. Umawat sya dun. basta ako enjoy dito.

Habang nangyayari yan lahat, yung kasama nung ibang lahi...makikita mong nakiki eksena din. Nagulat na lang kami kasi binuhat nya ung upuan at akmang ibabato dun sa lasing na binatilyo. Kamusta naman yung eksena na yun diba??

Pero eto ang da best. Yung isa pang kasama nila na nag iinarte din..nakikisigaw and all, gumawa ng sarili nyang eksena. Dahil siguro wala syang sariling kaaway. Umupo ang lolo mo sa silya nya pero umurong! edi ayun, salampak sya sa sahig...tumama ang ulo nya sa table namin.

Nagulat na lang ako kasi natapunan na ako ng beer sa mukha at katawan...ang shoes ko ay puno ng cashew nuts at beer. Eksenadora talaga ang lolo mo!!

Edi eto pa, habang busy ako punasan yung mukha ko...may isa pang mama na nasapak sa unahan. Kawawa si manong. Natanggal ang two front teeth. Mega hanap tlaga sya. Pati pala salamin nya nawala ung isang mata. Eh sakto, nag resume na ang sayawan..kaya si lolo tuwad ng tuwad kakahanap sa nawawalang ipin at salamin. Ok lang naman yun sa palagay ko...may theme song na sya sa pasko...

All I want for christmas is my two front teeth..two front teeth... nyahaha!!

Ngayon lang ako talaga nag enjoy ulet sa bar!

Kinabukasan, nag food trip kami at nag bowling. at pagbalik ng Dubai, nag bar ulit. Pero usapan kakain lang ng dinner. Ayun...walang kamatayang crispy pata. Na uber tigas. Panalo pa din ang bar sa Abu Dhabi. Madaming gumagawa ng eksena! nyaah!

2 comments:

  1. OMG. Laugh trip nga to!!!! Tawa ako ng tawa sa harap ng computer. Wala kang na-picture? :D

    Tanong lang....paanong "sira ang kitchen?" LOL!

    ReplyDelete
  2. sira as in hindi sila makapag prepare ng mas "challenging" na pulutan like sisig. heheh. ewan ko ba, basta yun ang binigay na excuse kung bakit hindi kami makaka order ng ibang pagkain aside from fried somethings.

    hindi nga ako nakapag picture eh! sayang. nag enjoy kasi ako sa eksena! haha

    ReplyDelete